Ano ang mga bakunang kakailanganin ng aking anak
Lahat ng mga bata ay kailangang mabakunahan ng BCG (Bacille Calmette-Guérin) sa dipterya) vaccine, na nangangalaga nang bahagya sa tb at ketong.
Lahat ng mga bata ay kailangang mabakunahan laban sa diptheria, tetano at pertussis na may DPT vaccine (kilala rin bilang DPT vaccine). Ang dipterya ay nagdudulot ng impeksiyon ng upper respiratory tract, na sa malalang sitwasyon ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga o kaya'y kamatayan. Ang tetano ay nagpapatigas ng laman at paninigas nito, at maaaring makamatay. Ang pertusis, o ubo, ay naaapektuhan ang respiratory tract at maaaring magdulot ng ubo na tatagal ng apat hanggang walong linggo. Ang sakit ay delikado sa mga sanggol
Lahat ng mga buntis at mga sanggol ay kailangang mabakunahan laban sa tetano.
Ang mga bata ay dapat ding bakunahan laban sa tigdas, isang pangunahing sanhi ng malnutrisyon, kahinaan ng kaisipan, at problema sa pandinig at ng paningin. Ang mga palatandaan o sintomas ng tigdas ay lagnat at pantal, na may kasamang ubo, sipon o namumulang mata. Ang bata ay maaaaring mamatay sa tigdas.
Lahat ng mga bata au kailangang mabakunahan laban sa polio. Ang palatandaan o sintomas nito ay ang pagkakaroon ng malalambot na paa, o ang walang kakayahang maglakad. Sa bawa't 200 na batang may polio, isa rito ay hindi na makalalakad habang buhay.
Ang ibang mga bakuna ay ayon sa bansa at rehiyon kung saan ka nakatira. Mahalagang sundin ang pagbabakuna ayon sa iskedyul ng national guidelines. Ang mga bata ay dapat mabakunahan sa tamang edad at masundan ng tamang dami sa inerekomendang panahon.