Ang pinaka pangkaraniwang dahilan ng anemia ay ang hindi pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iron, dahil ang iron ay kailangan para makagawa ng pulang dugo.
Ang iba pang mga dahilan ay:
Malarya, na sumisira sa pulang dugo.
Lahat ng uri ng pagka ubos ng dugo tulad ng:
buwanang malakas na regla (ang IUD o Intra-Uterine Device ay nakakapagpadugo ng malakas)
panganganak
madugong pagtatae dahil sa ibat ibang uri ng mga bulate
pagdurugo ng tiyan dahil sa ulcers
sugat na dumudugo ng labis
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.