Ano ang mga dapat kong malaman tungkol sa anxiety pagiging matatakuting o sobrang pag-aalala
Ang anxiety ay tinatawag ding "nerves', 'nervous attacks', at 'heart distress'.
Lahat ng tao ay nakakaramdam ng nerbiyos o pagkabalisa paminsan minsan. Kung ang mga nararamdamang ito ay dahil sa isang sitwasyon, kaagad din itong mawawala. Subali't kung ang nerbiyos o pagkabalisa ay tuluy-tuloy, o lumalala, o nangyayari nang walang kadahilanan, ito ay maaaring maituring na problemang pangkaisipan.
Mga Palatandaan:
Ang pagiging masindakin o sobrang matatakutina n ay isang uri ng anxiety. Ito ay bigla lamang nangyayari at maaring tumagal mula ilang minuto hanggang ilang oras. Bilang karagdagan sa mga nabanggit sa itaas, , ang tao ay nakakaramdam ng malaking takot o pag-aalala, at ang pag-aalala na baka mawalang ng malay o mamatay. Maaari ring magkaroon ng sakit sa dibdib, mahirapang huminga at pag-aalalang baka may mangyayaring masama.