Ano ang mga dapat kong malaman tungkol sa depression matinding kalungkutan o kapos ng pakiramdam

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Minsan ang depression ay tinatawag na mabigat na puso o kawalan ng pakiramdam o lakas.

Natural sa isang tao makaramdam ng depression kung siya ay namatayan o nawalan. Ngunit baka mayroon siyang problema sa pag-iisip kung ang mga sintomas sa ibaba ay mapapapanisin sa matagal na panahon:

Mga Palatandaan:

  • pagiging malungkot sa loob ng mahabang panahon
  • hirap na matulog o sobrang matulog
  • magulo ang kaisipan o hindi makapag iisip nang malinaw
  • kawalan ng interest sa mga kaaya-ayang gawain, pagkain, o pakikipagtalik
  • problema sa pangangatawan tulad ng sakit ng ulo o sakit sa bituka na hindi dulot ng sakit
  • mabagal na pagsasalita o paggalaw
  • kawalan ng lakas sa araw-araw na gawain
  • nag-iisip tungkol sa kamatayan o pagpapakamatay

Ang malubhang depression ay maaring maging sanhi ng pagpapakamatay. Halos lahat ng tao ay paminsan-minsang nakakaisip ng pagpapakamatay. Ngunit kung ang kaisipang ito ay maalas na mangyari o lumalakas na ang pakiramdam na gawin ito, ang babae ay nangangailangan na ng kaagarang tulong.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011508