Ano ang mga iba pang mga benepisyo ng pagpaplano ng pamilya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Bukod sa pagliligtas ng buhay, may iba pang mga benepisyo ang pagpaplano ng pamilya:

  • Mas lulusog ang mga nanay at sanggol, dahil maiiwasan ang delikadong pagbubuntis.
  • Mas kaunti ang anak, maaaring mas marami ang pagkain para sa bawat isa.
  • Kapag naghintay bago magkaanak, maaaring magkapanahon ka para magtapos ng pag-aaral ang mga kabataang babae’t lalaki.
  • Kapag mas kaunti ang anak, maaaring mas may panahon para sa sarili at mga anak.

Makakatulong din ang pagpaplano ng pamilya para mas masiyahan kayong magpartner sa pagtatalik, dahil hindi nangangamba sa di-gustong pagbubuntis. May iba pang benepisyo sa kalusugan ang ibang paraan. Halimbawa, makakatulong labanan ng mga condom ang pagkalat ng mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) kasama na ang HIV. Makakatulong ang mga hormonal na kontraseptibo sa di-regular na pagdating at pananakit habang nagreregla

Lahat ng paraan sa pagpaplano ng pamilya na makikita sa kabanatang ito ay ginagamit ng ligtas ng milyong kababaihan. Sa katunayan, ang mga paraang ito ay mas ligtas kaysa sa pagbubuntis at panganganak.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020404