Ano ang mga maling kaisipan tungkol sa pananakit ng mga lalaki sa mga kababaihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Narito ang ilan sa mga maling pag-iisip ng mga tao:

"Maaring gawin ng isang lalaki ang kahit ano sa kaniyang asawa. " 

Ang katotohanan; Walang sino mang lalaki ang may karapatang saktan ang kaniyang asawa. Walang gagawin ang babae na kakailanganin saktan siya, kahit na iniisip ng lalaki na karapat-dapat siyang saktan---kahit mismo ang babae ang nag-iisip na maaari siyang saktan. . . "Dahil sa siya ay umiinom. " Ang katotohanan: Ang alkohol ay hindi pinagmumulan ng karahasan, pero kadalasan ito ang nagpapalala. Mayroon ding karahasan sa mga lugar kung saan hindi umiinom ng alkohol ang mga tao.

"Hindi niya ito sasaktan kung hindi niya ito mahal. " Ang katotohanan: Ang pananakit ay hindi tanda ng pag-ibig. Ang pagmamahal ay nagpapkita ng paggalang at kabaitan. "

"Buhay nila iyon. Wala tayong karapatang makialam sa kanilang buhay. " Ang katotohanan: Ang karahasan ay hindi suliranin ng kahirapan o ng kamang-mangan. Ang karahasan ay maaaring mangyari saan mang bahay: mayaman o mahirap, may pinag-aralan o mangmang, sa lungsod o sa lalawigan.

"Pinakamabuti para sa mga bata ang manatili siya sa kaniyang asawa. Maaari pa siyang maging mabuting ama. " Ang katotohanan: Hindi laging mabuti para sa pamilya kung ang babae ay mananatiling kasama ang mapang-abusong lalaki. Tinuturuan niya ang mga bata ng mga masasama at maling paraan sa pagtingin sa nararamdaman, at kung paano dapat tinatrato ang kababaihan. Hindi siya nagiging mabuti sa kaniyang mga anak kung sinasaktan niya ang kanilang ina.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020104