Kapag nakapag-desisyon na mag plano ng pamilya, mainam na pumili ng angkop na pamamaraan. Upang makapamili ng tamang paraan, pag-aralan muna ang mga ibat' ibang uri nito, ang mabuti at masamang idudulot nito.
May 5 uri ng pamamaraan ng family planning
Barrier methods, na pumipigil sa pagbubuntis sa pamamagitan ng pagpigil ng "sperm" ng lalaki na makarating sa "egg" ng babae.
Hormonal methods, na pumipigil na magpakawala ang obaryo ng "egg", mahihirapan ang "sperm na umabot sa "egg" at pinipigilan ang matris na maging handa sa pagbubuntis.
IUD, pumipigil sa"sperm" na kumapit sa "egg" ng babae.
Natural methods, malalaman ng babae kung kailan siya maaaring mabuntis, para ang pagtatalik ay iwasan sa ganoong panahon.
Permanent methods. Ito ay operasyon na hindi na kailanman magkakaanak ang babae o lalaki.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.