Ano ang pagkabaog
From Audiopedia - Accessible Learning for All
Sinasabi nating ang mag-asawa ay baog kung hindi magkaanak pagkatapos ng maraming beses na pagtatalik ng ilang beses sa isang buwan sa loob ng isang taon, na walang ginagamit na anumang pamamaraan ng family planning. Ang mag-asawa ay maaari ring may problema sa pagkabaog kung sila ay nakunan (nawalang pagbubuntis) na ng tatlong beses o higit pa.
Ang lalaki o babae na nagkaroon na ng anak ay maaari pa rin maging baog. Ang problema ay nangyayari sa mga taong nagsimula pagkatapos maipanganak ang huling anak. Minsan ang problema ay hindi sa lalaki o sa babae, kundi ang pinagsamang dalawa. At minsan ang mag-asawa ay mukhang malusog at walang duktor o pagsusuri ang makapagsasabi kung ano ang dahilan ng problema.