Ano ang palatandaan ng maling paggamit ng alak at droga

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kahit ano pa ang dahilan sa pagsisimula, ang alak at droga ay madaling magamit ng mali. Ang tao ay ginagamit ang alak at droga ng mali kung wala na siyang kontrol sa pag gamit ng alak at droga, sa dami ng kanyang ginagamit o sa paraan kung paano siya kumilos kapag gumagamit ng alak o droga.

Narito ang ilang mga pangkaraniwang palatandaan na ang mga tao ay mali ang paggamit ng alak at droga. Sila ay:

  • nakararamdam na kailangan nila ang alak o droga para malagpasan ang maghapon o gabi. Maaaring gamit nila ito sa hindi karaniwang oras at lugar, tulad ng sa umaga, o kung sila ay mag isa.
  • nagsisinungaling sa kung magkano ang kanilang nagagamit o itinatago ito.
  • may problema sa pera dahil sa nagagastos nila sa pagbili ng droga o alak. Ang ibang tao ay gumagawa ng krimen para makakuha ng pera para sa alak o droga.
  • nahihiya sa kanilang pag-uugali habang gumagamit ng alak at droga.
  • hindi nagtatrabaho kahit bago pa gumamit o hindi pumapasok ng madalas dahil sa pag gamit ng alak o droga.
  • may problema sa marahas na pag-uugali. Ang tao ay maaaring maging mas marahas sa kanyang asawa, mga anak, o mga kaibigan.

Kung ang pag gamit ng droga ay nakapagpapabago sa iyong buhay, oras na para itigil o bawasan ang pag gamit nito. Mas mabuting itigil bago ang droga ay makapinsala sa iyo, sa pamilya, o sa iyong mga kaibigan.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010304