Ano ang sanhi ng kapansanan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa mga bansang mahihirap, maraming kapansanan ang dinudulot ng kahirapan, aksidente o digmaan.

Halimbawa, kung ang isang babae ay hindi nakakakain nang sapat habang siya ay nagdadalang-tao, ang kaniyang isisilang ay maaaring magkaroon ng kapansanan.

Kapag ang isang sanggol o bata ay hindi nakakakain nang tama, maaari rin itong maging sanhi ng pagkabulag o mabagal na kaisipan.

Ang maruming kapaligiran at masikip na tinitirhan, pati na ang mga kakulangan sa pagkain, pangunahing serbisyong pangkalusugan, at bakuna ay maaaring magdulot ng maraming uri ng kapansanan.

Sa mga digmaang nangyaryari ngayon, ang mga kababaihan at mga bata ang napapatay or napipinsala, bukod sa mga sundalo o ibang kalalakihan.

Subali't kahit na mawala ang mga dahilang ito na nagdudulot ng kapansanan, magkakaroon pa rin ng mga taong may kapansanan - ito ay likas na bahagi ng buhay.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011103