Ano ang trauma at paano ito makasisira ng aking katinuan sa pag-iisip

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung may mangyaring masama sa isang babae o sa isang malapit sa kaniya, siya ay masasabing nagka-trauma. Ang ibang karaniwang trauma ay karahasan sa loob ng tahanan, panggagahasa, digmaan, pagpapahirap o mga sakuna.

Ang trauma ay nakasisira ng kalusugan at kagalingan ng pag-iisip. Dahil dito, ang pakiramdam ng isang tao ay hindi siya ligtas, walang katiyakan ang kahit ano, wala siyang kayang gawin, at wala siyang tiwala sa mundo o sa mga tao sa paligid niya. Karaniwang natatagalang makaahon sa trauma ang isang babae, lalo na kung ang dahilan ay kapwa niya, at hindi ang kalikasan. Kung ang trauma ay naranasan noong bata pa bago pa maintindiahan o mapag-usapan kung ano ang nangyayari, ay may epekto sa babae ng maraming taon na hindi niya nalalaman.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011506