Ano ang tuberculosis TB
Ang TB dulot ng isang maliit na mikrobyo, o bacteria. Kapag ang mikrobyong ito ay nakapasok sa katawan ng isang babae, siya ay mayroon ng TB at mananatiling ganon habang buhay. Ang mga malusog na tao ay nalalabanan ng sakit na dulot ng TB, at 1 lamang sa bawat 10 tao na nalagyan ng mikrobyong ito ang tuluyang nagkakasakit dahil sa TB sa kanyang buong buhay.
Ngunit, kung ang isang tao ay mahina, kulang sa sustansiya, may diyabetis, napakabata o masyadong matanda, o may impeksyon ng HIV, madaling maatake ng TB ang kanyang katawan. Karaniwan itong nangyayari sa mga baga, kung saan ang mikrobyo ng TB ay kinakain ang tissue at sinisira and mga ugat ng dugo. Habang nilalabanan ito ng katawan, ang mga butas ay napupuno ng nana at dugo.
Kung hindi gagamutin, ang katawan ay dahan dahang nanghihina, at namamatay ang tao sa loob ng 5 taon. Ngunit ang isang tao na may HIV at TB ay maaaring mamatay sa loob lamang ng ilang buwan kung walang paggamot.