Ano ano ang dahilan ng mga pagbabago sa pagregla

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Karaniwan na na nagkakaroon ng paminsan-minsang pagbabago sa pagregla dahil sa pagkakasakit, pagaalala o stress, pagbubuntis o kung nagpapasuso, mahabaang paglalakbay, sobrang trabaho o pagbabago sa dyeta. Ngunit kung ang pagbabago ay biglaan at tumatagal ng ilang buwan na may kasama pang ibang kapansin-pansin na problema, magkunsulta at baka ito ay dala ng mas malubhang problema.

Sa pagkakataon na may pagbabago sa pagreregla, parati nang isipin ang posibilidad ng pagbubuntis - kahit na gumagamit ng mga paraan sa pag family plannin.

Minsan ang obaryo ay hindi naglalabas ng itlog. Sa pagkakataong ito, mas kakaunti ang nialalabas na "progesterone" na nagiging sanhi ng pag-dalas at dami ng regla. Ang mga batang babae na nagsisimula pa lang mag regla - o mga ina na biglang tumigil sa pagpapasuso ng bat - ay maaaring mag regla tuwing makalipas ang ilang buwan o magkaroon ng mahina o malakas na pagregla. Ito ay nagiging normal makalipas ang panahon.

Yun mga gumgamit ng "hormonal family planning" ay kalimitan dinugo sa kalagitnaan ng buwan.

Ang mga malapit ng magmenopause ay maaaring magkaroon ng mas malakas na regla kung ikumpara nung sila ay bata pa. Habang papalapit sila sa pag "menopause", maaaring tumigil ang pagregla at bumalik naman muli makalipas ang ilang buwan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010217