Ang buwanang regla ay kadalasang dumarating sa pagitan ng 21 hanggang 35 araw. Maaaring ring maging mas mahaba ang pagitan. Ngunit maaaring ikaw ay buntis o may karamdaman kung hindi dumarating ang iyong regla.
Mga posibleng dahilan:
Maaaring ikaw ay buntis.
Maaaring nalaglag ang dinadala mong sanggol.
Maaaring ang obaryo ay walang itlog na pinakawalan.
Maaaring ikaw ay may malubhang sakit - gaya ng malaria, TB, o lumalalang HIV infection.
Kung ikaw ay lagpas na sa edad na 40 o 45, maaaring napapalapit ng ang iyong menopause.
May ilang mga pamamaraan ng family planning - gaya ng pills, implants, at ineksyon na maaaring maging dahilan ng malawak na pagitan ng panahon ng pag regla.
Ang hindi sapat na nutrisyon ay maaari ring maging sanhi ng mga pagbabago sa buwanang pag regla.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.