Ano pang ibang dahilan ang magtutulak sa mga kababaihan na wakasan ang kanilang buhay
Trauma: Ang isa pang dahilan kung bakit maraming kababaihan ang gustong wakasan ang kanilang buhay, ay dahil sa isang negatibong pangyayari sa kanilang buhay at hindi alam kung paano ito haharapin. Ang trauma ay isang pangyayari o mga pangyayari na maaring magdulot ng stress na pisikal o pangkaisipan, na nagpapahirap kayanin at nag-iiwan ng pangmatagalang pinsala.
Ang ilan sa pinakakaraniwang uri ng trauma ay ang karahasan sa tahanan, panggagahasa, digmaan, pahirap at mga sakuna. Ang ibang negatibong pangyayari sa buhay na maaring magdala ng trauma sa babae ay ang mga pagkawala at/o pagkamatay ng kasama o mahalagang bagay ( halimbawa: nawalan ng magulang, namatayan ng asawa o anak, nawalan ng trabaho o tahanan), malalang sakit at pagkakaroon ng kapansanan. Ang ibang babae ay hindi kinakaya ang pagdadalamhati, kahihiyan o takot sa mga ganitong sitwasyon, na ang pagpapakamatay lamang ang tanging nakikita nilang paraan.
Depresyon o anxiety: Hindi laging kinakailangan ng negatibong pangyayari sa buhay o trauma para magtulak sa kababaihan sa kawalang pag-asa. Ang patuloy na mataas na tensyon na nararansan ng maraming kababaihan sa araw- araw ng kanilang buhay ay maaring magdulot sa kanila ng malalim na pagkalungkot o pagkabagabag o, maaaring pareho.
Ang depresiyon ay isang kalagayan ng pagkamatamlay o pag-ayaw ng gawain na makapagdudulot ng masama sa pag-uugali, mga iniisip, pakiramdam at kagalingan, sa loob ng mahabang panahon. Ang depressive disorder na tinatawag ng mga nasa medicl field, ay nagiging sanhi rin ng "mabigat na puso" o pagkawala ng ispirito at kaluluwa".
Ang anxiety disorder sa kabilang dako, ay pakiramdam ng pagkatakot, pag-aalala at pangkalahatang pagkabalisa sa mahabang panahon. Ang iba pang mga salitang kadalasang ginagamit sa anxiety, ay ang mga: "nerves', 'nervous attack at 'mental distresses. Kapag ang babae ay nahaharap sa maraming tensyon bawat araw at sa mahabang panahon, maaari siyang mabigatan at hindi kayanin ang mga dapat harapin, pati ang mga problema (hal. , masyadong maraming trabaho, kulang sa pera o pagkain, problema sa pamilya o asawa, atbp. ).
Ang depression at anxiety ay parehong magtungo sa pagpapakamatay, ung ang apektadong babae ay hindi makakuha ng tulong at suporta. Ang problema ay maaring lumala kung siya ay ( katulad ng mga babae sa pangkalahatan) tinuruang alagaan ang iba at balewalain ang sariling pangangailangan. Dahil sa kakulangan ng gabay sa pangkalusugan sa kaisipan sa mga developing countries, maraming mga problema sa kaisipan at mga karamdaman tulad ng depression, anxiety o trauma ay madalas na hindi nasusuri o nagagamot nang tama, kahit pa ang babae ay humingi ng tulong at propesyonal na pagkalinga.