Ang mga sumusunod ay mga masusustansyang pagkain para sa mga bata (edad anim na buwan pataas):
Pagkaing madalas ihain, kasama ang mga cereals (bigas, wheat, maize, quinoa), kamoteng kahoy, yam, patatas at mga prutas na kagaya ng saging at kalamansi.
Maprotinang pagkain tulad ng pulang karne, poultry, isda, atay at itlog (ito ay maaaring ipakain nang madalas).
Mga dairy products, tulad ng keso, yogurt, curds, pinatuyong gatas (na pwedeng ihalo sa ibang pagkain, kagaya ng lugaw). Ito mga mabuting ipakain sa pangalawang anim na buwan ng isang batang pinasususo. Mas mainam ito kaysa sa gatas na hindi pa na-iproseso dahil mahirap pa itong matunaw sa tiyan ng bata.
Mga berdeng madadahon at kulay orange na gulay, tulad ng spinach, broccoli, chard, karots, kalabasa at kamote (na siyang nagbibigay ng bitamina)
Mga tinatawag na pulses tulad ng garbanzos, lentils, black-eyed peas, , kidney beans at lima beans (para magkaroon ng sar-saring pagkain at magbigay ng protina, lakas at iron.
Mga mantika, lalo na ang rapeseed oil, soy oil, red palm oil, butter o mantikilya.
Mga buto kasama na ang giniling na nut paste, iba pang nut pastes at mga buto tulad ng kalabasa, sunflower, melon o sesame (pampalakas at pagkukunan ng mga bitamina).
Mahirap maibigay ang lahat nang kakailanganing sustansiya ng mga bata sa ipakakaing gulay lamang. Ang mga pagkaing galing sa mga hayop ang siyang nagbibigay ng pangunahing sustansiya tulad ng iron. Ang isang batang pinapakain ng puro gulay ay nangangailangan ng karagdagang nutrisyon sa pamamagitan ng multi vitamin tablets o powders, mga palaman at food supplements na may bitamina.
Ang Iron na nanggagaling sa halaman ay hindi gaanong nasisipsip ng katawan. Ngunit, ang mga halamang tulad ng mga pulses (puting beans, garbanzos, lentils) ay may mas higit na iron. Ang iron ay mas masisipsip nang mabuti kung ito'y kakainin kasama ang mga pagkain na mataas sa vitamin C tulad ng mga kahel at iba pang citrus na prutas at mga katas nito.