Anong uri ng mga karahasan ang ginagawa sa mga kababaihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

May mga iba't-ibang paraang ginagawa ang isang lalaki para maging kapangyarihan sa isang babae. Ang pambubugbog ay isa sa kanila. Nguni't nag lahat ng paraan iyon ay makakasakit sa isang babae:

Pangaabuso sa Damdamin: Iniinsulto ng lalaki ang babae, minamaliit ang kaniyang pagkatao, o pinaniniwala niya na siya ay isang baliw.

Paghahawak ng Pera: Pinipigilan ng lalaki magtrabaho ang babae o kumita ng sariling pera. Gusto niyang humihingi sa kanya ng pera para sa lahat ng kanyang mga pangangailangan. O maaari siyang piliting magtrabaho at kunin ang kaniyang kita.

Pangaabusong Sekswal: Ang lalaki ay pinipilit ang isang babae gumawa ng mga bagay na sekswal na laban sa kanyang kalooban o hinahawakan ang mga maselang bahagi ng kanyang katawan. Tinuturing siyang isang bagay.

Sinisisi Siya: Sinasabi ng lalaki na walang pang-aabusong nangyari, na ito ay hindi seryoso, o kasalanan ng babae.

Ginagamit ang Mga Bata: Ginagamit ng lalaki ang mga anak para iparamdam na siya ang may kasalanan, o para masaktan siya.

Dahil Siya ay Lalaki: Ginagamit ng lalaking dahilan ang kaniyang pagkalalaki para alipinin ang babae. Siya ang nagde-desisyon sa lahat at sinasabing bilang babae, wala siyang karapatang sumalungat.

Pagbabanta: Ang lalaki ay gumagamit ng pagtingin, aksiyon, tono ng boses, o pagbabanta para matakot ang babae dahil sasaktan siya nito.

Paghihiwalay: Kinokontrol ng lalaki ang lahat ng ginagawa ng babae----sino ang kinakatagpo at kinakausap, at kung saan pumupunta.

Ang isang uri ng pang-aabuso ay simula ng ibang pang-aabuso. Ang kapangyarihan at kontrol ang mga dahilan sa likod ng lahat ng mga aksiyon.

Sa maraming pagkakataon, ang verbal abuse ay nagiging physical abuse sa kalauan. Maaaring sa simula ay hindi mukhang pang-aabuso, nguni't ang lalaki ay dahan-dahang sisimulan sa 'hindi sinasadyang' panunulak o pagbangga sa babae, o biglang uupo sa lugar ng babae para umalis siya. Kung ang ganitong pag-uugali ay nagtatagumpay para sa kaniya, ito ay lalala hanggang maging marahas. Hindi lahat ng babae na nakararanas ng pang-aabuso ay nabubugbog, pero lahat ng mga babaeng binugbog ay nakaranas na ng lahat ng pang-aabuso.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020106