Anong uri ng rape at sexual assault ang nagaganap

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

May ibat-ibang uri ng sexual assaut. Ngunti kaunti lamang sa kanila ang itinuturing na rape. . Halimbawa, minsan may mga pangyayari sa buhay ang nagtutulak sa babae para makipagtalik kahit hindi nya ito gustuhin. Ito ay maaring mangyari sa buhay mag-asawa. May ilang mga may asawang babae na ang pinaramdam sa kanila ang pakikipagtalik ay kanilang tungkulin, sa ayaw o gusto nila. Bagamat hindi pinarurusahan ng lipunan ang ganitong sapilitang pagtatalik, ito ay mali pa rin.

Para sa ibang mga babae, ang pagtatalik ay paraan para sila ay mabuhay --- para makakuha ng suporta para sa kanilang mga anak, o para hindi matanggal sa trabaho. Kahit anupaman ang dahilan, ang babae ay hindi dapat pinipilit makipagtalik kung ayaw niya.

Sa anumang relasyon, ang babae ay maaaring pumili kung tatanggapin o tatanggihan niya ang alok o hingi ng pakkiipagtalik. Kung siya ay tumanggi, ang lalaki ay walang magagawa kundi galangin at tanggapin ang desisyon ng babae at subukang baguhin ang kaniyang desisyon, o pilitin siya. Kahit na kilala ng babae ang lalaki at pumayag kung ang pagtanggi ay hindi maaari, ito ay rape pa rin.

Ang babae ay kadalasang nahihirapang humingi ng tulong kung ang lalaki ay kakilala nya. Mas mahirap ding makaramdam ng pagiging ligtas kung sila ay magkikita pang muli.

Sa anumang oras ang babae ay sapilitang nakikipagtalik, kahit pa mayroon o walang karahasan. ito ay magdudulot ng maraming problema sa kanyang kalusugan at damdamin.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020304