Anu- ano ang mga dapat gawin sa pagsuri ng 'pelvic' o sinapupunan ng babae
From Audiopedia
Ang unang susuriin ng health worker (Doktor o midwife) ay ang nasa labas na bahagi ng "Ari", upang makita kung mayroon itong bukol, pamamaga o ibang kulay.
Karaniwan ang gumagawa nito ay maglalagay ng isang intrumento na tinatawag na "Speculum", na magbubuka sa ating "Ari", upang makita ng maayos ang loob ng ari kung ito ay maryroong bukol pamamaga, o may ibang likido na lumalabas. Maaari kang makaramdam ng kaunting diin sa pagpasok ng instrumentong ito, ngunit ito ay kayang tiisin. Mas magiging maginhawa ang pagsusuring ito kung ikaw ay relaks at hindi naiihi, Marapat lamang na umihi muna bago magpa eksamin.