Anu-ano ang mga dapat kong malaman patungkol sa mucus method at counting days method

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para magamit ang alin man sa dalawang pamamaraan, dapat mong malaman kung kelan ang panahon kung kelan ka maaaring magbuntis sa iyong buwanang cycle. Ito ay minsang tinatawag na "fertility awareness". Sa ganun, upang maiwasan ang pagbubuntis, ikaw at ang iyong kasiping o asawa ay hindi dapat magtalik o dapat kayong gumamit ng barrier method sa mga araw na na may malaking pagkakataon na ikaw ay magbuntis.

Dahil ang pamamaraan na ito ay libre at walang maaaring maidulot na masama sa iyong kalusugan, itong pamamaraan na ito ay maaaring gamitin ng mga kababaihang ayaw gumamit ng ibang pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya o kung walang ibang pamamaraan na maaaring gamitin.

Upang mas masanay sa fertility awareness, ikaw at ang iyong kasiping o asawa ay dapat dumalaw sa mga maalam na health worker upang mas mapagaralan ang inyong katawan. Kadalasang umaabot ng tatlo hanggang anim na buwan upang inyong lubos na mapagaralan ang ganitong pamamaraan.

Ito'y nangangahulugan na ang ganitong pamamaraan ay nangangailangan din ng kooperasyon mula sa iyong kasiping o asawa upang ito ay lubos na umepekto.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020505