Anu-ano ang mga maling paniniwala sa kapansanan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Isa sa bawat sampu ng mga kababaihan ay may kapansanan na nakaka-apekto sa araw-araw na pamumuhay. Maaring ang kaniyang kapansanan ay sa paglalakad, pagbubuhat, paningin, pagkabingi, o sa kaisipan.

Sa bahaging ito, gagamitin natin ang katagang 'Kababaihang may kapansanan' sa halip na 'baldadong kababaihan'. Ito ay sa aming pagnanais na ipaalala na, bagama't ang isang kapansanan ay nakakasagabal sa babae ang paggawa ng mga bagay-bagay, ituring pa rin natin siya na pareho ng ibang babae. Una sa lahat, siya ay isa pa ring babae.

Kahit ano pa ang naging dahilan ng kaniyang kapansanan, ay maari pa rin siyang maging kapaki-pakinabang tulad ng ibang babae na walang kapansanan. Kailangan lang niya ng isang oportunidad o pagkakataon upang ipakita ang kaniyang kakayahan.

Ang mga paniniwala at kaugalian ang kadalasang nagbibigay ng maling paniniwala tungkol sa kapansanan, Halimbawa, may paniniwala ang mga tao na ang isang babae ay nagkaroon ng kapansanan dahil siya y nakagawa ng kasalanan sa kaniyang dating buhay, at pinarurusahan ngayon. O kaya'y nag-iisip na ang kanyang kapansanan ay nakahahawa, kung kaya siya ay kailangang iwasan. Ang kapansanan ay hindi likha ng kahit anong kamaliang nagawa ng isang tao.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011102