Bakit Sinasaktan ng Lalaki ang Isang Babae
Ang lalaki ay maraming mabibigay na dahilan kung bakit sinasaktan ang babae---na lasing siya, nakalimot sa sarili, o nararapat lang sa kaniya. Ngunit pinipili ng lalaki maging marahas dahil ito ay isang paraan para makuha niya ang kaniyang kailangan o tama sa pakiramdam niya bilang isang lalaki.
Kapag ang isang lalaki ay hindi naramdamang mayroon siyang kapangyarihan sa sarili niyang pagkatao, gagamit siya ng karahasan para mangibabaw siya o mahawakan niya ang buhay ng ibang tao. Natural lamang na gustuhin ng tao ang mahawakan niya ang kanyang sariling buhay sa normal na paraan, ngunit hindi tama ang subukang hawakan ang buhay ng ibang tao, lalao na kung gagamit ng karahasan.
Narito ang ilang dahilan kung bakit sinasaktan ng mga lalaki ang mga kababaihan:
Mabisa ang karahasan Ito ay nagsisilbing madaling paraan upang tapusin ang hindi pagkakasundo na hindi na kailangang pang pag-usapan ang problema o humanap ng nararapat na solusyon.
Nasisiyahan ang lalaki kapag nakikipag-away. Lumalakas ang pakiramdam niya pagkatapos makipag-away. Maaring gustuhin niya ulit ang ganitong pakiramdam. Kapag ang lalaki ay gumamit ng karahasan, nakukuha niya ang gusto niya, kaya panalo siya. Susunod na lamang ang biktima para hindi lang masaktan. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng kapangyarihan. Ang marahas at mapang-abusong relasyon ay kadalasang nangyayari kung ang isang tao ay mas makapangyarihan sa isa.
Ang lalaki ay may maling paniniwala sa kahulugan ng pagiging tunay na lalaki. Kapag ang lalaki ay naniniwala na para maging lalaki kailangan niyang makontrol ang ginagawa ng babae, iisipin niyang OK lang manakit. May mga lalaking nag-iisip na may karapatan sila sa ibang bagay---sa mabuting asawa, sa mga anak na lalaki, ang pag-desisyon sa pamilya----dahil sila ay lalaki. Ang marahas at mapang-abusong relasyon ay kadalasang nangyayari kung ang isang tao ay mas makapangyarihan sa isa.
Pakiramdam ng lalaki ay pag-aari niya ang babae, o kailangan niya ang babae. Kung ang babae ay malakas, maaaring matakot ang lalaki na mawala sa kanya ang babae, o hindi siya kailangan nito. Gagawa siya ng para ang babae ay nakaasa lang sa kaniya. Kapag ang tingin ng mga lalaki ay pag-aari nila ang mga babae, mas malamang na tratuhin nila ang mga babae sa kahit anong paraan na gusto nila.
Wala na siyang ibang alam na paraan. Kapag nasaksihan ng isang lalaki na ang kanyang ama o ang ibang taong malapit sa kanya na gumagamit ng dahas kapag nahaharap sa mga pagsubok sa buhay, wala na siyang iba pang paraang nalalaman kundi ito.
Ang mga dahilan nabanggit ay ipinapaliwanag kung bakit inaabuso ng mga lalaki ang kanilang mga asawa, ngunit hindi ito nagbibigay ng pahintulot na gawin nila ito.