Bakit ako dapat pumunta sa palagiang pagsusuri ng kalusugan
Maraming INP at kanser ang hindi nagpapakita ng palatandaan hanggang sa lumala muna ito nang husto. Kapag malala na, baka huli na para malunasan ang problema.
Kung maaari, kailangang magpatingin ang babae sa isang bihasa na mangagamot para ipasuri ang kanyang sistemang reproduktibo tuwing 3–5 taon, kahit mabuti ang pakiramdam niya. Kasama dapat sa eksaminasyong ito ang pelvic exam, pagsusuri sa suso, pagsusuri para sa anemia at para sa mga impeksyon na naihahawa sa pagtatalik (INP) kung may panganib na magkaroon siya. Maaaring kasama rin ang Pap smear (pinapaliwanag sa baba) o iba pang test para sa kanser sa cervix (bukana ng matris). Lalong mahalaga ito para sa mga babaeng lampas 35, dahil mas lumalaki ang panganib na magkakanser sa cervix habang tumatanda.