Bakit ang ilang kababaihan ay nagpapalaglag

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagpapasiya na magpalaglag ay palaging mahirap. Ang ibang relihiyon ay tinuturo na ang pagpapalaglag ay maling gawain at sa ilang bansa ito hindi legal at ligtas. Pero may maraming mga dahilan upang ang isang babae ay sumubok na magpalaglag. Ito ang mga halimbawa:

  • Sapat na ang bilang ng mga anak na maaari niyang alagaan.
  • Ang pagbubuntis ay panganib sa kanyang kalusugan at sa kanyang buhay.
  • Wala sayang katuwang para tulungang suportahan ang bata.
  • Gusto niyang makapagtapos ng pag aaral.
  • Ayaw niyang magkaroon ng mga anak.
  • Nabuntis siya matapos piliting makipagtalik.
  • Mayroong pumipilit sa kanya na magpalaglag.
  • Ang bata ay ipapanganak na may malubhang kapansanan pagkapanganak.
  • Meron siyang HIV or AIDS.
Ang hindi binalak at hindi gustong pagbubuntis ay nangyayari kapag...

...ang babae at ang kanyang katuwang ay hindi alam kung paano nangyayari ang pagbubuntis. ...Ang mga health workers ay nag-iisip na ang ibang mga babae ay masyadong bata para sa pagpaplano ng pamilya. ...ang mga kababaihan ay pinilit na makipagtalik. ...ang mga paraan sa pagpaplano ng pamilya ay walang magagamit, hindi tama ang pag gamit, o hindi naging matagumpay.

MAHALAGA: Ang babaeng nakipagtalik ng hindi protektado sa nakaraang tatlong araw ay maaring mapigilan ang pagbubuntis kung siya ay kikilos ng mabilis.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020203