Bakit ang mapanganib para sa aking ang maagang pagbubuntis
Karamihan sa katawan ng mga batang babae ay hindi pa handa sa ligtas at malusog na panganganak.
Ang mga batang babae ay mas malamang magkaroon ng pre-eclampsia (na maaring maging sanhi seizures), sa panahon nag pagbubuntis.
Dahil sa ang kanilang pangangatawan ay masyado pang maliit para ilabas ang sanggol, ang mga ina na may edad na mababa sa 17, ay malamang na mag-labor nang matagal at mahirap, at baradong panganganak. Kung walang tulong na medikal, ang babae na may ganitong problema ay maaaring mamatay. Ang baradong panganganak ay makakasira rin ng ari ng babae na mauuwi sa paglabas ng ihi at dumi,
Ang mga sanggol na ipinanganganak ng mga babaeng may edad na mababa sa 17, ay malamang na maliit o kulang sa buwan.
Kung ikaw ay buntis na, subukan makipagkita sa isang sinanay na maghihilot o health worker sa lalong madaling panahon upang malaman ang pinakaligtas na pangangaank.