Bakit ang mga babaeng may kapansanan ay madalas kulang sa pagpapahalaga sa sarili
Ang mga kababaihang may kapansanan ay madalas nakararanas ng diskriminasyon. Sila ay tinatanggihan bilang asawa, o itinuturing na hindi nararamat sa trabaho. Kadalasan, ang mga kababaihang may kapansanan ay hindi nakakapag-aral kahit maaari naman. Halimbawa, sa mga paaralang para sa may kapansanan, mas binibigayan ng prioridad ang mga kalalakihan. Ang mga kababaihang may kapansanan ay malamang hindi magkakaroon ng pagkakataon matuto para sa kahit na anong trabaho. Sila ay nakararanas ng pang-aabuso-- pisikal, emosyonal at sekswal. Hindi katulad ng mga kalalakihan at kababaihan na walang kapansanan, kadalasan hindi sila kasali sa mga desiyon sa kanilang mga tahanan o komunidad.
Ang mga kababaihang may kapansanan ay tinuturuan ng lipunan na hindi pagpahalagan ang kanilang mga sarili. Sila ay itinuturing na walang kakayahang maging asawa o mag-anak, at hindi makagagawa ng mga mahahalagang gawain. Kaya sila ay itinuturing na walang halaga. Kahit ang kanilang mga kamag-anak ay gugustuhin lamang sila kung sila ay may pakinabang.