Bakit ang mga babaeng my kapansanan ay karaniwang may sakit sa balat

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kapag laging nakaupo o nakahiga, maaaring magkasugat sa balat. Ang mga sugat na ito ay nagsisimula kapag ang balat na nakatakip sa mga buto ay nadiriinan sa silya o sa kama. Ang mga ugat ng dugo ay nagsasara kaya hindi masyadong nakakadaloy ang dugo papunta sa balat.

Kapag matagal nang hindi gumagalaw, mayroong maitim o mapulang lalabas sa balat. Kung ito ay magpapatuloy, magkakaroon ng bukas na sugat, at ito ay lalalim papunta sa loob ng katawan. O di kaya'y ang sugat ay magsisumula sa loob ng katawan na unti-unting lalabas. Maaari ring magsimula ang sugat malapit sa buto at lumalim papasok ng katawan. Kung hindi maaagapan sa paggamot, ang balat ay maaaring mamatay.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011106