Bakit ang mga kababaihang may kapansanan ay madalas may problema sa kalamnan
From Audiopedia - Accessible Learning for All
May mga kababaihan--halimbawa, yung mga may rayuma o na-stroke, o yung mga nakaratay dahil sa AIDS o katandaan--na hirap sa paggalaw ng kanilang mga braso at binti upang maibaluktot ang kanilang mga kasu-kasuan.
Kapag nangyari ito, at ang braso o binti ay matagal nang nakabaluktot, may mga laman na umiiksi at hindi na maiuunat pa nang todo. O kaya naman ay 'yung mga umiksing laman ay nakadikit na sa kasu-kasuan kaya hindi na ito maibabaluktot. Ang tawag dito ay 'contracture'. Minsan, ang mga contractures ay masakit.