Bakit ang mga tao ay nagsisimulang gumamit ng alkohol o mga droga
Ang mga tao ay kadalasang nagsisimulang gumamit ng alkohol o mga droga dahil sa impluwensya ng lipunan. Ang mga kabataang lalaki at may edad na lalaki ay maaaring napipilitan na uminom o gumamit ng mga droga para patunayan ang kanilang pagka lalaki. Ang mga lalaki ay maaaring naniniwala na kapag mas marami ang kanyang naiinom o nagagamit na mga droga mas higit siyang lalaki. Ang ibang tao ay gumagamit ng alkohol at mga droga dahil gusto nila ang dulot na pakiramdam ng mga ito.
Maraming kadalagahan at kababaihan ang nagsisimula na ring harapin ang impluwensya ng lipunan at nagsisimula ng uminom at gumamit ng mga droga. Maaaring maramdaman nila na mas malaki na sila o mas makabago. O iniisip nila na mas madali silang matatanggap ng iba.
Ang mga kumpanya na gumagawa at nagbebenta ng alkohol at mga droga ay nagdudulot din ng impluwensya sa lipunan. Ang mga anunsyo na ginagawa na ginagamit ang alkohol at mga droga ay mukang kaakit-akit, lalo na sa mga kabataan, hinihimok ang mga tao na bumili ng mga ito. Ang ilang anunsyo, kanta, at palabas ay humihimok sa kabataan na uminom at gumamit ng mga droga. At kapag ang mga kumpanya na gumagawa ng alak o mga lugar na nagbebenta ng alak ay ginawang madali at masaya ang pagbili, ang mga tao ay bumibili pa ng mas marami. Ang impluwensyang ito ay talagang nakasasama, dahil kadalasang hindi alam ng mga tao na makaaapekto ang mga ito sa kanila.