Bakit ang suso ang pinaka mahusay sa aking anak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagpapasuso ay isa sa pinakaluma at pinakamalusog na nakagawian sa buong mundo. Subalit habang ang mundo ay nagbabago, ang mga babae kung minsan ay kailangang ng impormasyon at suporta upang ipagpatuloy ang pagpapasuso sa kanilang mga supling.

Ang pagpapasuso ay mahalaga sapagkat:

  • Ang gatas ng ina ay ang natatanging perpektong pagkain upang tulungang lumaking malusog at malakas ang bata.
  • Ang pagpapasuso ay tumutulong na mapatigil ang sinapupunan sa pagdurugo pagkatapos ng panganganak.
  • Ang gatas ng Ina ay ang pumoprotekta sa bata laban sa mga sakit at impeksyon tulad ng diabetes, kanser, pagtatae, at pulmonya. Ang depensa ng ina laban sa mga sakit ay naipapasa rin sa anak sa pamamagitan ng kanyang gatas.
  • Ang pagpapasuso ay tumutulong na maprotektahan ang Ina laban sa kanser at paghina o paglutong ng mga buto.
  • Kapag ang ina ay nagpapasuso ng kanyang anak, ang gatas ay laging malinis, laging handa at laging nasa tamang temperatura.
  • Ang pagpapasuso ay tumutulong upang maramdaman ng Ina at anak ang pagiging malapit at seguridad.
  • Para sa ibang babae na nagbibigay ng purong gatas lamang ng Ina sa kanilang mga anak, sila ay napoprotektahan upang huwag kaagad mabuntis.
  • Ang pagpapasuso ay libre.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010802