Bakit ginagamit ng mali ng mga tao ang droga at alak
Maraming tao ang humahantong sa maling pag gamit ng droga at alak para makatakas mula sa problema sa kanilang buhay. Lahat ng klase ng tao ay ginagawa ito. Pero ang mga taong may mga magulang na gumagamit ng maling paraan ng alak at droga ay mas parang susubok at lulutasin ang kanilang mga problema sa parehong paraan. Ito ay dahil ang kahinaan sa maling paggamit ng droga at alak ay maaaring maipasa mula sa mga magulang tungo sa mga anak. At habang pinapanood ng mga anak ang kanilang mga magulang na gumagamit ng alak at droga para makatakas sa mga problema, natututunan nila ang katulad na pag-uugali.
Ang maling pag gamit ng alak at droga ay pangkaraniwan sa mga taong hindi nakakaramdam ng kahit anong pag-asa na mabago ang miserableng kalagayan ng kanilang mga buhay. Ang mga taong umalis sa kanilang mga tahanan o nakaharap sa desperadong mga problema---tulad ng pagkakatanggal sa trabaho o hanapbuhay, pagkawala ng mahal sa buhay, o iniwan ng katuwang---ay nasa malaking panganib din na gumamit ng alak at droga sa maling paraan. Ang mga babae ay kadalasang gumagamit ng alak at droga sa maling paraan dahil hindi nila nararamdaman na mayroon silang kontrol--- o lakas na baguhin---ang kanilang buhay. Maaaring maramdaman nila na naka depende sila o sa awa ng kanilang katuwang o lalaking myembro ng pamilya. At kung ang babae ay may mababang antas sa komunidad, magiging mahirap sa kanila ang pahalagahan ang kanilang sarili. Sa kasamaang palad, ang mga droga at alak ay nakapagpapalala ng mga ganitong problema, at ang mga tao ay nakakaramdam ng mas kaunting kakayanan na mapabuti ang kanilang buhay. Sa halip na maghanap ng paraan para mapabuti ang kanilang sitwasyon, karamihan sa mga tao na gumagamit ng alak at droga sa maling paraan ay inuubos ang kanilang oras, pera, at kalusugan sa pag-iwas at paglimot sa kanilang mga problema.
Kapag ang tao ay ginamit sa maling paraan ang alak at droga, ang utak at katawan ay maaaring magsimulang makaramdam ng sobrang pangangailangan para sa droga. Kapag ang utak ay naramdaman na ang ganitong pangangailangan, ito ay tinatawag na pagkakalulong. Kapag ang katawan ng tao ay nakaramdam ng matinding pangangailangan ng droga at alak na nagkakasakit siya kapag wala ang mga ito, ito ay tinatawag na pagkagumon. Ang alak at ibang droga ay nakapagdudulot ng pagkagumon. Kapag ang tao ay nagumon na, siya ay mangangailangan ng mas maraming droga at alak para maramdaman ang epekto ng mga ito.