Bakit gustong magpakamaty ang mga babaeng may asawa
Sa mga developing countries, ang pag-aasawa ay nag pinagmumulan ng maraming stress para sa mga kababaihan. Ang ilang mga kadahilanan na nagtutulak para magpakamatay ay:
Ang mga batang babaing bagong kasal ay kadalasang inilalayo sa kanilang mga kaibigan o mga magulang, dahil sila ay titira ng kasama ang asawa. Dahil dito, nawawala ang suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Sila ay nakakaranas nang maaga at hindi kagustuhang pakikipagtatalik, at ang kanyang kawalang-malay at kamusmusan ay nagiging sanhi ng kahinaan at nagiging dahilan upang makaranas ng karahasan mula sa kanilang kabiyak, kaysa sa mga taong mapangasawa sa kalaunan. Lahat ng mga bagay na ito ay nagtutulak sa kanila sa malaking panganib ng pagpapatiwakal.