Bakit hindi ako dapat kumilos ayon sa bugso ng damdamin kung gusto ko ng magpakamatay
Marami sa nagpakamatay at nagtangkang magpakamatay ay nagawa dahil sa bugso ng damdamin. Sa ibang salita, itong parehong mga tao na ito ay hindi sinubukang patayin ang sarili nila bago ang ilang araw, o ilang araw pagkatapos o kung pinag-isipan lang nila nang ang kanilang mga ginawa.
Subukang dumistansiya sa sarili. Sabihin mo sa sarili, "Maghihintay ako ng isa pang 24 oras (o kahit isang linggo pa) bago ako gumawa ng kahit ano". Paghiwalayin ang naisip mong pagpapakamatay at ang aktwal na pagpapakamatay, kahit pa ito ay 24 oras lamang.
Kung ang gagamitin sa iyong pagpapakamatay ay makikita na sa loob ng iyong bahay (hal. armas o lason), tumawag ng kaibigan o kasama na malapit sa iyo para ang mga bagay na ito. Ang mga Ito ay dapat na mailayo sa (o kahit man lang mahirap mong makuha) kahit man lang sa loob ng susunod na 24 oras. Maaaring ibigay ang sandata sa isang kaibigan at pakiusapan na huwag munang ibalik sa iyo sa mga susunod na 24 oras, kahit ano pa ang mangyari. Sa mga oras na ito, huwag lalapit sa kahit ano mang mapanganib na lugar na maaari kang matukso sa bugso ng iyong damdamin (katulad ng malalim na hukay, mataas na mga gusali o mga tulay, riles atbp. ).
Huwag uminom ng alak o uminom ng droga habang nakakaramdam na gustong magpakamatay. Bagamat mukhang madaling paraan para makikpagbigay-lunas at makaalis ng sakit ang parehong alak at droga, makapag bigay sayo ng mabilis na ginhawa at paraan para mabawasan ang sakit, ang alak at droga ay parehong makababawas sa iyong kontrol at ilalagay ka nito sa panganib na gumawa ng isang bagay nang hindi nag-iisip.