Bakit hindi ko dapat sisihin ang aking sarili pagtapos may magpakamatay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang lalim ng sakit ng pagkawala ng isang minamahal dahil sa pagpapakamatay ay makapaglalabas ng maraming katanungan at pagdududa.

Isipin na hindi ka dapat sisihin. Alalahaning hindi mo iyon kasalanan. Ang nagpasiya ay ang iyong mahal sa buhay, hindi ikaw.

Ang pagsisisi ay nasa hangarin. Kung nalaman mo lang na siya ay may tangkang magpakamatay, ginawa mo sana ang dapat mong gawin para mapigilan ito.

Tanggapin mo na ginawa mo ang lahat nang iyong makakaya sa alam mo noong mga panahong iyon. At kung may hindi ka napansin at hindi siniryoso ang mga alalahanin noong mga panahong iyon, intindihing ang tao ay nagkakamali rin. At ikaw ay tao lamang. HIndi ito sinasadya.

MAHALAGA: Kung ikaw ay nakadarama na rin ng pagpapakamatay dahil sa pagdadalamhati at pagsisisi, unawain mo na ikaw ay nakararanas ng mga bagay na pangkaraniwan at maiintindihan. Pero sana humingi ka ng tulong propesyonal kaagad kung may mga naiisip ka ng magpakamatay.

Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020922