Bakit kailangan akong magtiwala sa aking pakiramdam
Karamihan sa mga babae ay tinuturuan mula pa sa murang edad na laging maging magalang at piliting huwag makasakit ng damdamin nang sinuman. Kaya pag may taong nakagawa nang hindi maganda, madalas nahihirapan siyang ipakita ang kanyang tunay na nararamdaman. Subalit maging maingat kung ikaw:
Maaaring mahirap kumilos sa iyong nararamdaman dahil ikaw ay natatakot kung ano ang iisipin ng ibang tao. At bilang karagdagan, kung ang taong iyon ay kilala mo o nagmamalasakit sa iyo, ayaw mong aminin na gagawan ka niya ng masama. Ngunit makabubuting maniwala sa iyong nararamdaman, at umalis ka sa isang sitwasyon na hindi maganda bago pa may masamang mangyari sa iyo.
Magtiwala ka sa iyong nararamdaman. Mas mabuti pang makasakit ka ng damdamin ng iba kung ikaw man ay nagkamali, kaysa magahasa.