Bakit kailangan ko ng regular na pagsusuri ng suso

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Nararapat lamang na suriing mabuti ng isang babae ang kanyang suso kada buwan, kahit na ang mga babaeng hindi na nireregla.

Karamihan sa mga kababaihan ay may maliliit na bukol sa kanilang suso. Ang mga bukol na ito ay kadalasang nagbabago ng laki at ng hugis tuwing buwanang dalaw ng babae. Maaari silang maging masakit bago dumating ang araw ng regla. Paminsan minsan - ngunit hind kadalasan - ang bukol sa suso na hindi nawawala ay isang senyales ng kanser sa suso.

Maaring makahanap ng bukol sa kanyang suso ang isang babae kung alam nya ang paraan ng pagsuri sa kanyang suso. Kung ang pagsusuri ay kanyang ginagawa isang beses sa isang bwan, sya ay magiging pamilyar sa pakiramdam ng kanyang suso, at mas madali niyang malaman kung may mali o kakaiba sa kanyang suso.

Kung ang isang babae ay may kapansanan at mahirap para sa kanyang suriin ang kanyang sariling suso, maaari syang humingi ng tulong sa isang taong kanyang pinagkakatiwalaan upang gawin ang pagsusuri para sa kanya.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010212