Bakit kailangan kong humanap ng suporta kung gusto ko ng magpakamatay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang matibay na suporta sa lipunan at personal na relasyon ang pinakamahalagang dahilan ng mabuting ngkaisipan. Ang mga nagpapakamatay ay kadalasang may pakiramdam na nag-iisa lamang siya. Maaaring ikaw ay may kasama, pamilya at maraming kaibigan, pero pakiramdam mo pa rin na ikaw ay nag-iisa. Kahit mayroong taong nakapaligid sa atin ay hindi nangangahulugang mayroon kayong koneksiyon sa isa't-isa. Kung ikaw ay nakakaisip ng pagpapakamatay, maaari mong isipin na wala ng makakaintindi o makatutulong sa iyo. Pero ikaw ay nagkakamali.

Ang pakikipagkita sa ibang kababaihan ay makapagbibigay sa iyo ng lakas, na makatuttulong sa iyong kayanin ang iyong problema sa araw-araw. T Maliit lang ang mundo. Sa pakikipag-usap, malalamang marami rin ang nakararanas ng parehong problema. Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang kanilang pasanin at nakatutulong din para malaman ang ugat ng problema.

Isa pa, mas madaling makahanap ng solusyon sa mga problema kapag tinalakay and mga ito sa isang grupo o kasama ang iba pang babae. Maaaring isa sa mga babae ay mayroong naiisip kung paano mababago ang iyong sitwasyon na hindi mo pa naisip-- -- o ganoon ka rin.

Minsan ang mga babae ay nagtatago ng kanilang nararamdaman ( o hindi nila alam na mayroon sila), marahi dahil sa iniisip nila o sa turo na ang pakiramdam ay masama, mapanganib, o kahiya-hiya. Kung mapakinggan ang iba na magsalita tungkol sa mga ganitong pakiramdam ay makatutulong sa babae na mapansin ang kaniyang sariling pakiramdam. Ang ibang mga babae ay maaaring makatutulong sa iyo para maintindihan ang problema para hindi ka gagawa ng isang bagay na hindi nag-iisip. Ang tawag dito ay emotional support, at ito ay lalong mahalaga kung nakakaramdam ka na gusto mong magpakamatay.


Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020914