Bakit kailangan kong isipin ang mararamdaman at sasabihin ng aking mga maiiwan kung maramdaman ko ng magpakamatay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ano ang magiging reaksyon ng pamilya at kaibigan mo sa balitang gusto mong wakasan ang iyong buhay? Ano ang magiging epekto nito sa kanila? Ano ang magiging epekto nito sa iyong trabaho, negosyo at/o mga kliyente? Bakit kailangan ko silang isipin kung personal na desisyon ko ang wakasan ang aking buhay? Ito ang mga katanungang dapat maaaring pumasok sa iyong isipan.

Huwag gumawa ng pagkakamali. Ang pagpapakamatay ay magdudulot ng malalim na pagdurusa mga taong nakapaligid sa iyo, at ang epekto nito ay mananatili sa kanila habang-buhay.

Ang iyong pagpapakamatay ay magdadala ng maraming problema sa mga taong iiwanan mo, lalo na sa pamilya mo. Hindi lang pagkalungkot at pagkabigla ang kanilang mararanasan, kuni makakaramdam din sila ng pagsisi at kahihiyan habang buhay. Maaari rin silang makaramdam ng kahihiyan o mapaalis sa pamayanang kanilang kinabibilangan.

Maliba sa mga problemang ito, may mga problema ka ring pilit tinatakasan kapag ikaw ay nag-iisip magpakamatay. Ang mga problemang ito ay hindi mawawala sa iyong pagkamatay, kundi masasalin lamang bilang pasanin ng iba, magdudulot ng pagdurusa ng iyong minamahal o isang malalpit sa iyo.

Kaya naman pag-isipan mo itong mabuti bago ka mag desisyon.

Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020912