Bakit kailangan kong pangalagaan mabuti ang sarili ko pagkatapos may nagpakamatay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang masidhing sakit at gulo na iyong nadarama pagkatapos mawalan ng minamahal dahil sa pagpapakamatay ay mahirap para ikaw ay makagalaw. Napakahirap kumilos pagkatapos ng may nagpakamatay. Ang pagpapagaling ay isang mabagal na proseso. Huwag madaliin ang sarili, bagkus maging pasensiyoso at mahinahon sa sarili.

Kung ikaw ay nahihirapang mag-isip nang mabuti, naging makakalimutin, o hindi makatutok sa ginagawa, intindihing ikaw ay dumaranas ng normal at tensyonadong damdamin, at huwag masyadong pahirapan ang sarili. Humingi ng tulong para sa gawaing pang-araw-araw. Kahit maliit na bagay ay magmumukhang malaki, kaya humingi ng tulong pag kailangan. Kung nagtatrabaho, magpahinga nang mahabang panahon hangga't maaari.

Siguraduhing kumakain ng masustansyang pagkain at mag-eehersisyo. Ang dalawang bagay na iyon ay makatutulong nang malaki.

Ang paggawa ng ibang bagay na nakaka-relaks ay makatutulong din. Gumawa ng ibang bagay na makapagpapa-relax sa iyo. Maligo. Maglakad. Makinig ng magandang tugtog. Magbasa ng manga o anime/cartoons.

Hanggat kaya, gumawa ng mga bagay na ikasisiya. Hayaang maging masaya muli ang sarili. Huwag ma-guilty kapag nakita ang sarili na nakangiting muli, nagpapakasaya pagkatapos ng pagluksa. Hindi ipagtataksil sa alaala ng mahal sa buhay kung magsimula na ang paghihilom ng pagdadalamhati.

Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020921