Bakit kailangan kong pumunta sa duktor therapist o health worker kung nakakaramdam akong gustong kong magpakamatay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kapag hindi nabibigyan-pansin ang depression, nagiging malaking dahilan ito ng suicide. Kahit ang mga pangyayaring sa umpisa ay nagdadala ng kasiyahan --- tulad ng bagong panganak na sanggol o pagkakaroon ng trabaho---ay maaaring maging sanhi ng depression. Ang post natal depression (post partum depression) o ang depression pagkatapos manganak, halimbawa, ay pangkaraniwan. Ang isa sa bawat limang babae ay nakararanas nito pagkatapos manganak -- na marami sa kanila ay hindi man lang alam.

Ang depression ay nangyayari kung mayroon hindi pagkakapantay ang kemikal sa utak. Kaya, hindi dapat maramdaman na ikaw ay may kasalanan kapag nagka-depression.

Kung ikaw ay nakakaramdam na parang gusto mo ng magpapakamatay sa loob ng dalawang linggo o mas matagal pa, kailangan mong magpatingin. Makipag-appointment sa isang psychiatrist at therapist, para masuri ka nang mabuti. Ang depression ay nagagamot ng magkahalong mood-stabilizing medication at psychotherapy.

Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020911