Bakit kailangan ng masusing pangangalaga sa aking personal na kaligtasan
Dahil ang mga babaeng may kapansanan ay mas kakaunti ang kakayahang protektahan ang sarili, sila ay higit na nanganganib sa mga bayolenteng pag-atake at pang-aabuso kaysa sa mga babaeng walang kapansanan. Ngunit may mga bagay na maaaring gawin ang mga babae upang maipagtanggol ang sarili. Makatutulong kung gagawin ang ilan sa mga bagay na ito kasama ang grupo ng mga babaeng may kapansanan:
Kung ikaw ay nasa pampublikong lugar at may nagtangkang manakit o mang-abuso sa iyo, sumigaw nang malakas.
Gumawa ng bagay na nakadidiring bagay, tulad ng pagdura (laway), pagsusuka o umarte na parang nababaliw.
Gamitin ang tungkod, saklay o wheelchair, para tamaan o saktan ang taong nagtatangakang manakit sa iyo.
Kung ang abusadong tao ay miyembro ng iyong pamilya, subukang isangguni ito sa isa pang miyembro ng iyong pamilya na maaari mong pagkatiwalaan. Maaari ding makatulong kung iyong sasabihin ito sa grupo ng mga babaeng may kapansanan.