Bakit kinakailangang gumamit ng proteksiyon sa pakikipagtalik

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Tulad ng lahat ng impeksiyon na nakukuha ng mga tao, ang mga STIs ay dulot din ng mga mikrobyo. May ilang impeksiyon na sanhi ng mikrobyo na nasa hangin, pagakain o tubig. Ang mga STI ay naipapasa sa pakikipagtalik. May ilang STIs na nagdudulot ng sugat o nana na lumalabas sa ari, nguni't kadalasan hindi masasabi kung ang isang tao ay may STI s pagtingin lamang. Maraming mga babae at lalaki ang maaaring mayroong STIs nang hindi nila nalalaman. Ang mga mikrobyong sanhi ng STIs (tulad ng kulugo sa ari o paltos) ay nasa balat ng ari na naipapasa sa pamamagitan ng pagdikit ng mga balat.

Ang mikrobyo na nagiging sanhi ng ibang klase ng STIs (tulo, klamidia, sakit sa atay, sipilis, at HIV) ay nabubuhay o nakatira sa likido ng taong nalalinan nito. Ito ay napapasa sa pamamagitan ng dugo, tamod, o sa basang ari ng babae na nalalinan nito o ang nalalinan nito ay nagkaroon ng paglapat o pagdikit sa balat ng ari ng babae, sa puwitan, sa dulo ng ari ng lalaki, o sa bunganga ng ibang tao. Kaya, ang pagsanay ng ligtas na pakikipagtalik ay nangangahulugan lamang na hangga't maari magkaroon ng maliit o kokonting paglalapat sa balat ng ari ng iyong kapareha, at ng mga likido na lumalabas sa kantang katawan maliban na lamang kung ikaw ay lubusang nakakatiyak na siya ay walang bahid ng kahit na anung uri ng impeksiyon na nakukuha mula sa pakikipagtalik o STIs. Itong lahat ng uri ng impeksiyon ay makakapagdulot ng malubhang problemang pangkalusugan. Ang HIV, kung walang patuloy na gamutan ay nakamamatay.

Ang pagkipagtalik ng walang proteksiyon, o ang pakikipagtalik sa ibao kaya ay pagkak't-ibang kapareha, ay nahaharap sa posibildad na makakuha ng impeksiyon na STis, pati na ang HIV. Ang HIV ay maaaring maging sanhi ng kamatayan mula sa AIDS. Ang mga hindi nagamot na STIs ay maaaring maging dahilan ng pagkabaog, pagbubuntis sa labas ng matris, at ang pagkalaglag ng sanggol. Ang pagkakaroon ng maraming katalki ay naglalantad sa isang babae sa pagkakaroon ng pelvic inflammatory disease (PID), o sakit sa reproductive organs, at kanser. Ang lahat ng babae at lalaki ay makakaiwas sa lahat ng ito kung gagamit ng proteksiyon.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010508