Bakit ko dapat pagsikapan ang magandang edukasyon at pagsasanay
Ang edukasyon ay makatutulong na maipagmalaki mo ang iyong sarili, kumita ng mas mainam na pamumuhay, at magkaroon ng mas masaya at malusog na buhay. Para sa maraming batang babae, ang edukasyon ang susi sa mas mabuting kinabukasan. Kahit na ikaw ay hindi makapasok sa eskwela, may mga ibang paraan upang matutong magbasa at magsanay ng kakayahan.
Halimbawa, ikaw ay maaring mag-aral sa bahay, o sumali sa isang literacy program, o kaya ay magsanay sa isang bihasang tao (apprenticeship). Kapag ikaw ay may mga bagong kakayahan, mayroon kang espesyal na maipapamahagi sa iyong pamayanan, at mas may kakayahan kang suportahan ang sarili mo at ang iyong pamilya. Ang pagkakaroon ng mga bagong kakayahan ay magbibigay sa iyo ng mas maraming pagpipilian sa iyong buhay.