Bakit ko dapat piliin palagi ang pagpaplano ng pamilya
May mga kababaihan na naghahangad ng maraming anak - lalo na sa mga komunidad na ang mga mahihirap ay pinagkaitan ng patas na bahagi ng lupa, mapagkukunang yaman, at benepisyo. Ito ay dahil ang mga kabataan ay nakakatulong sa pagtatrabaho at pagbibigay aruga sa kanilang mga magulang kapag ito ay tumanda na. Sa ganitong mga lugar, ang pagkakaroon ng onting anak ay isang pribilehiyo na ang mga mayayaman lamang ang nagkakaroon.
May ibang kababaihan na nais limitahan ang bilang ng kanilang magiging mga anak. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga lugar na may oportunidad ang mga kababaihan na magaral at kumita, at kung saan sila ay maaaring makihalubilo sa mga kalalakihan ng patas.
Kahit saan pa nakatira ang babae, siya ay magiging mas malusog kung siya ay maykontrol sa kung ilang anak ang magkakaroon siya, at kung kelan siya magkakaroon nito nang hindi inaalintana kung saan man siya nakatira. Ngunit ang pagpapasya kung gagamit - o hindi gagamit - ng mga paraan sa pagpaplano ng pamilya ay dapat laging maging desisyon ng kababaihan. Meron kang karapatan upang gumawa ng sariling desisyon tungkol sa pagpaplano ng pamilya.