Bakit mahalaga ang iodine para sa aking anak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kahit kaunting iodine ay mahalaga sa paglaki at pagbuo ng katawan ng mga bata. Kung ang isang babae ay may kakulangan sa iodine sa kanyang pagbubuntis, ang anak ay maaaring magkaroon ng kapansanan sa pag-iisip o posibleng pagkabingi o problema sa pagsasalita. Kapag ang bata ay hindi nakakatanggap nang sapat na iodine simula sa pagkabata, maaaring maantala ang paglaki, pagbuo ng kaisipan, o ang pag-intindi ng mga bagay-bagay. Kahit ang konting kakulangan ay nakababawas sa kapasidad na matuto at nagdudulot ng mahinang pag-intindi.

Ang bosyo ay isang abnormal na paglaki ng thyroid gland na nagdudulot ng pamamagal sa leeg, ay tanda ng kakulangan ng iodine sa kinakain. Ang kakulangan ng Iodine sa pagbubuntis ay nakadaragdag sa panganib ng pagkalaglag ng sanggol o maipanganak na patay ang bata.

Ang paggamit ng iodized salt sa halip na pangkaraniwang asin, ay nagbibigay nang sapat na iodine na kakailanganin ng mga buntis. Ang iodized salt ay ligtas gamitin ng lahat, at ito lang ang tanging kailangan sa pagluluto. Ang dapat bilhing iodized salt ay 'yung maganda ang kalidad, na makikita sa tatak at pagkabalot. Dapat siguraduhin ng mga nanay, na tanging iodized salt lamang ang gagamitin bago, habang at pagkatapos magbuntis. Kailangan din tiyakin ng mga nanay at tatay, na ang asin na gamit ng kanilang mga anak ay iodized.

Sources