Bakit mahalaga ang iron para sa aking anak
Ang kakulangan ng iron sa kinakain ay maaaring maging sanhi ng anemya. Maari ring maging anemic ang mga bata dahil sa malaria at hookworm. Ang kakulangan sa iron sa katawan ay maaaring pahinain ang paglaki at pagtubo ng iba pang bahagi ng pangangatawan ng sanggol o mga batan. Ang anemia ay karaniwang sakit na pang nutrisyon sa buong mundo.
Ang mga bata ay nangangailangan ng mga pagkaing sagana sa iron upang mapangalagaan ang kanilang katawan at pag-iisip, at sa pagpigil anemia. Ang pinakamainam na mapagkukunan ng iron ay mula sa hayop, tulad ng atay, karne, at isda. Matatagpuan din ito sa mga gulay tulod ng tinatawag ng pulses. Ang mga pagkaing tulad ng wheat, maize flours, asin, patis o toyo ay minsan nilagyan ng iron. Ang mga pagkaing mayaman sa iron at ang mga iron supplements ay nakapipigil ng anemia. Kapag kumain ng mga ito kasabay ng vitamin C, matutulungan nito ang pagtunaw ng pagkain at pagsipsip ng iron sa katawan.