Bakit mahalaga ang pagbabakuna
Bawat taon, higit sa 1.4 milyong mga bata ang namamatay dahil sa mga sakit na maaari namang maiwasan kung magpapabakuna.
Ang pagbabakuna ay nagliligtas sa mga bata sa mga napakapanganib na sakit ng pagkabata. Lahat ng mga bata, maging ang mga may kapansanan, ay kailangang mabakunahan. Ang mga bata ay naililigtas ng bakuna sa mga sakit, isinasaksak o pinaiinom. Ang mga bakuna ay pinalalakas ang mga panlaban ng mga bata sa mga sakit. Ang bakuna ay nagiging mabisa lamang kung ibinibigay bago magkasakit.
Ang batang hindi nabakunahan ay mas malamang magkaroon ng tigdas, ubo at marami pang ibang sakit na nakamamatay. Ang mga batang nakakaligtas ay nagiging mahina at maaaring hindi lumaki nang maigi. Maaari rin silang magkaroon ng kapansanang panghabang buhay. Maari silang mamatay kalaunan dahil sa malnutrition at iba pang mga sakit.
Ang mga batang nabakunahan ay protektado sa mga ganitong uri ng nakamamatay na sakit na maaaring tumuloy sa pagkakaroon ng kapansanan o kamatayan. Lahat ng mga bata ay may karapatang magkaroon ng ganitong proteksiyon.
Bawat batang babae at lalaki ay kailangang mabakunan ng kumpleto. Mahalaga ang maagang proteksiyon. Napakahalag ng bakuna sa unang taon at ang papunta sa pangalawang taon ng bata. Ang mag buntis ay kailangang mabakunahan laban sa tetano para mapangalagaan ang sarili at ang bagong silang.