Bakit mahalaga sa akin bilang isang babae na ma protektahan ako mula sa HIV at AIDS

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang HIV at AIDS ay iba para sa mga kababaihan dahil:

Mas madaling makakuha ang mga babae ng HIV kaysa sa mga kalalakihan dahil sa panahon ng pagtatalik sya ang "tumatanggap". Ang ibig sabihin nito, ay ang tamod ng lalaki at nananatili sa ari ng babae sa mahabang panahon. At kung mayroong HIV sa tamod, mayroong malaking pagkakataon na dumaloy ito sa dugo ng babae sa pamamagitan ng kanyang ari o matris lalo na kung siya ay may hiwa o gasgas o mga sakit na nakakahawa dahil sa pakikipagtalik.

Ang mga kababaihan ay madalas mahawa sa murang edad kaysa sa mga kalalakihan. Ito ay sapagkat ang mga kabataang babae ay mas mahirap tumanggi sa hindi ligtas na pakikipagtalik at kadalasan ang napapangasawa ng mga batang babae e matandang mga lalaki na may mas malaking pagkakataon na magkaroon ng impeksyon.

Ang mga kababaihan ay nabubuhay na di pinapagamot ang mga sakit na nakakahawa dahil sa pakikipagtalik. Ito ay nagiging dahilan para mas madali silang magkaroon ng HIV.

Ang mga babae ay nakakakuha ng mas maraming pagsasalin ng dugo kaysa mga lalaki dahil sa mga problema sa panganganak.

Ang hindi sapat na nutrisyon at ang panghihina dahil sa pagdadalang tao ng madalas ay nagiging dahilan para ang babae ay humina ang panlaban sa mga sakit.

Ang mga kababaihan ay nasisisi ng hindi patas para sa paglaganap ng AIDS, kahit na maraming lalaki ang ayaw mag suot ng condom o limitahan ang bilang ng kanilang nakakatalik.

Ang buntis na babae na mayroong HIV ay maaaring maipasa ito sa kanyang sanggol.

Ang mga babae ay kadalasang nangangalaga sa mga ka pamilya na may HIV, kahit na sila ay maysakit din.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011006