Bakit mapanganib ang pag gamit ng ibang paraan maliban sa pag-papasuso

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga kumpanyang gumagawa ng mga gatas pang bata ay gusto na gamitin ito ng mga ina upang sila ay kumita ng pera. Ang pag gamit ng bote o pagbibigay ng gatas sa sa bote ay kadalasang hindi masyadong ligtas. Milyong mga bata na sa bote pinapasuso ay nagiging malnourished, o nagkakasakit o namamatay.

Ang mga pormula at ibang mga gatas, tulad ng naka lata o gatas ng mga hayop ay hindi nagpoprotekta sa mga bata mula sa sakit.

Ang pormula at ibang gatas ay maaaring maging sanhi ng sakit at kamatayan. Kung ang bote, tsupon, o tubig na ginamit para gumawa ng pormula ay hindi pinakuluan sa tamang tagal ng oras ng pagpapakulo, ang sanggol ay makakalulon ng mapanganib na mikrobiyo at makakaroon ng pagtatae.

Kapag ang mga bata ay sumususo mula sa dibdib ng Ina, ginagamit nila ang kanilang dila para sipsipin ang gatas mula sa suso ng Ina. Napaka laking kaibihan kapag ang bata ay sumususo gamit ang bote. Sa pag suso sa bote maaaring makalimutan ng sanggol kung paano sumuso sa dibdib ng Ina. At kapag ang bata ay hindi na gaanong sumususo sa Ina, ang gatas ay uurong at ang sanggol ay lubusan ng titigil sa pagsuso sa Ina.

Ang pagsuso sa bote ay nangangailangan ng maraming pera. Para sa isang bata, ang isang pamilya ay nangangailangan ng 40 kilo ng gatas sa unang taon. Ang pagbili ng gatas para sa isang araw kasama na ang gaas para sa pagpapakulo ng tubig ay maaaring humigit pa sa sweldo ng pamilya sa loob ng isang linggo---o isang buwan. Ang ibang mga magulang ay sinusubukang tipirin ang gatas sa pamamagitan ng pag babawas ng takal ng gatas o pagdagdag sa tubig. Ito ang nagiging dahilan kung kaya ang sanggol ay nagiging malnourished, mabagal lumaki at madalas magkasakit.

MAHALAGA: Ang babae na may HIV ay kailangang gumawa ng desisyon tungkol sa pinaka ligtas na paraan ng pagpapakain sa kanyang sanggol. Kung meron kang HIV, makipag-usap sa manggagamot tungkol sa paksang ito.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010804