Bakit mas mapanganib ang malarya sa mga buntis

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Mas mataas ang posibilidad na kapitan ng sakit na malarya ang mga buntis kaysa ibang mga babae. Ang sakit na ito ay pinaka-mapanganib sa panahon ng pagbubuntis, lalo na kung ito ay una. Ito ay dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan ng mga babae kung saan humihina ang panlaban nito sa malarya. Ang malarya ay maaaring magdulot ng malubhang anemya, pagkalaglag, maagang kapanganakan o kamatayan ng sanggol.

Ang mga batang ipinanganak ng mga nanay na nagkasakit ng malarya habang buntis, ay madalas kulang sa timbang.

Ang mga babaeng unang nagbubuntis sa mga lugar na laganap ang malarya ay madalas na hindi nakikitaan ng mga karaniwang sintomas ng malarya.

Sources